Ipinaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung bakit magkaiba ang halaga na matatanggap ng driver o operators ng modern jeepney sa traditional jeepney.
Sa harap ito ng gagawing pamamahagi ng pamahalaan ng fuel subsidy.
Sa oras kasi na matanggap na ng LTFRB ang budget para sa fuel subsidy ng 1.3 million operators at drivers, P10, 000 ang matatanggap ng modern jeepneys habang P6, 500 ang traditional jeep.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano, na pinagbasehan ng LTFRB at Department of Transportation (DOTr) ang operational cost at fuel consumption ng traditional at modern jeepneys.
Ayon sa opisyal ang modern jeepney, gumagastos ng amortization at hindi lamang basta gasolina.
“Iyong modern po ay may kaakibat pang mga amortization ito dahil mga bago pa iyong mga units nito, hindi lang po iyong ating fuel ang ginagastos nila. So, kaya may mga pagkakaiba katulad nito sa ibang mode, mas mababa because of the fuel cost na ginagamit po nila.” —Bolano. | ulat ni Racquel Bayan