Pagkasira ng bahura sa Iroquious Reef at Sabina Shoal, paglabag sa Arbitral Award — DND

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isasailalim sa beripikasyon ng Department of National Defense (DND) ang naiulat na pagkasira ng bahura sa Iroquois Reef at Sabina Shoal dahil sa mga aktibidad ng China.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro matapos ang turnover sa bagong C-208B aircraft ng Philippine Air Force sa Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga.

Sinabi ni Teodoro na ang pagkasira ng likas-yaman sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ay paglabag sa “International Treaty on the Destruction of Maritime Life” batay sa arbitral ruling, lalo na kung ginawa ito para sa reklamasyon ng artificial island.

Ayon kay Teodoro, makikipag-ugnayan sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang makagawa ng nararapat na aksyon.

Sa kuha ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Iroquois Reef at Sabina Shoal ay makikita ang halos wala nang buhay sa ilalim ng dagat. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us