Pagkasira ng coral reefs ng Pilipinas, pinaiimbestigahan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain ng resolusyon si Quezon Representative Keith Micah Tan para paimbestigahan ang pagkasira ng coral reefs o bahura dahil sa malawakang bleaching o harvesting.

Sa kaniyang House Resolution 1309, partikular na pinakikilos ang Committee on Ecology para magsagawa ng “investigation in aid of legislation” upang makapaglatag ng pinaigting na hakbang ang pamahalaan at mga LGU kaugnay sa “coral reef conservation.”

Kasabay nito ay nagpahayag din ng pagkabahala si Tan matapos ilabas ng Philippine Coast Guard ang video ng pinsalang tinamo ng Rozul Reef at Escoda Shoal, na kapwa nasa West Philippine Sea.

Babala ng kongresista, kung hindi mapipigil ang bleaching o harvesting sa mga bahura ay lubha itong makakaapekto sa industriya ng pangingisda at turismo, pati sa kabuhayan ng mga residente sa baybayin.

Kaya aniya mahalaga ang maagap na pagkilos hindi lang sa proteksyon kundi maging sa post-bleaching recovery program, pagpapakalat ng “awareness” at tamang impormasyon, at paghimok sa publiko na i-report ang iligal na bleaching o harvesting. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us