Paglalagay ng blockage ng China sa West Philippine Sea, maituturing na crime against humanity — Deputy Speaker Recto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maituturing na crime against humanity ang paglalagay ng China ng floating barriers sa West Philippine Sea, dahilan para hindi makapangisda ang ating mga mangingisda.

Ayon kay Deputy Speaker Ralph Recto, ang pagharang ng China sa ating mga mangingisda ay katumbas ng pagharang sa pinagkukunan natin ng pagkain.

“Chinese constriction of WPS cripples a pillar of our food security, as that area contributes almost 30% of commercial fisheries output….By cutting our access to a major protein source, China is playing a different kind of hunger games, making fish scarce for us, while satiating its people’s large appetite for seafood. China must be called out for what it is really doing in the WPS: a food blockade that is a crime against humanity.” sabi ni Recto

Tinukoy nito na ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, dahil sa ginagawang panggigipit ng China sa ating mga mangingisda ay bumaba sa pitong porsiyento ang kabuuang national fisheries production ng Pilipinas.

At dahil sa ginagawang iligal na pangingisda ng China sa ating katubigan at kung minsan, pag-agaw pa sa mismong huli ng mga Pilipinong mangingisda ay nagkulang na ang suplay ng isda ng bansa, at napipilitan tayong mag-import.

‘Suntok sa sikmura’ ng Pilipinas aniya ito dahil ang imported na isda, binibili natin sa China.

Batay aniya sa datos noong 2021, ang China ang nangungunang pinagkukunan ng imported na isda na nagkakahalaga ng P12.12 billion.

Sa 516,898 metric tons na in-import na isda noong kaparehong taon, 30.58 percent o 158,088 metric tons ang mula China. |ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us