Pagpapalago ng seaweed farming, tinutukan ng BFAR Region 1

Facebook
Twitter
LinkedIn

Opisyal ng pinasinayaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 ang regional seaweeds nursery sa bayan ng Anda, Pangasinan, noong Setyembre 19, 2023.

Nagsimula bilang isang experimental area ang dalawang ektaryang seaweed nursery simula noong taong 2019.

Bago pa man maitatag ang seaweed nursery ay mayaman na ang lugar sa mga halamang dagat tulad ng seaweed na siyang pangunahing pinagkukunan ng mga lokal na mangingisda ng seaweeds cutting.

Magbibigay ang bagong regional seaweeds nursery ng planting materials sa mga LGU at mga pribadong indibidwal na gustong pumasok sa seaweed business mula sa bayan ng Infanta, Bolinao at Dasol sa Pangasinan, at Balaoan sa La Union.

Matatandaang lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA )and BFAR Region 1 at lokal na pamahalaan ng Anda, Pangasinan upang mapaunlad ang nursery.

Bilang bahagi ng paglulunsad ay naglagay ang BFAR ng 500 abalone juveniles sa parehong seaweed nursery na siyang pararamihin sa parehong lugar. | via Ricky Casipit | RP1 Dagupan  

Photo: BFAR Regional Fisheries Office 1

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us