Naglatag ng kanilang rekomendasyon ang National Economic and Development Authority (NEDA) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito’y para sa pagpapatupad ng mga polisiya, programa, at proyekto na may kinalaman sa pagpapalago ng imprastraktura.
Inihayag ito ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan nang pulungin nito bilang chairperson ang Infrastructure Committe o INFRACOM kahapon.
Dito, tinalakay ang iba’t ibang mga panukalang proyekto na may kaugnayan sa tinatawag namang infrastructure development.
Una nang binigyang diin ni Balisacan na mahalaga ang pagde-develop ng imprastraktura ng bansa lalo pa’t pinalalago ng pamahalaan ang ekonomiya mula nang tumama ang pandemya.
Magugunitang inaprubahan ng NEDA ang tatlong flagship infrastructure projects ng pamahalaan sa ilalim ng Administrasyong Marcos na salig sa binuong Philippine Development Plan 2023-2028. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: NEDA