Pagpasa ng Senado sa panukalang “Ease of Paying Taxes Act”, welcome sa DOF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa Department of Finance ang pag-apruba ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ng panukalang “Ease of Paying Taxes Act”.

Ang Senate bill ay nakakuha ng 20 affirmative votes, zero negative at zero abstention sa mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, layon ng panukalang batas na pasimplehin ang tax filing para sa mga small enterprise at gawin online ang mga tax processes.

Sinabi pa ng kalihim na ang kung ito ay tuluyang magiging batas, bibigyang daan nito ang pinabilis na VAT refunds na magreresulta ng modern tax system na siyang nakasaad sa Medium-Term Fiscal Framework.

Layon din ng hakbang na i-institutionalize ang pagamit ng digital filing at payment system sa pamamagitan ng mga accredited payment channels at platform. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us