Ikinatuwa ng Public Private Partnership o PPP Center ang pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ng Senate Bill 2233 o ang PPP Act.
Ayon kay PPP Center Executive Director Ma. Cynthia Hernandez, nagpapasalamat sila kay Senador JV Ejercito na siyang tumutok upang maipasa agad sa Senado ang nasabing panukala.
Kumpiyansa silang sa pamamagitan nito, agad na matutugunan ang mga natukoy nang problemang bumabara sa mga proyekto sa ilalim ng PPP gayundin ang mga hamong kinahaharap nito.
Magugunitang sinertipikahang urgent mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpasa sa panukalang PPP Act nitong Mayo na layuning patatagin ang pakikilahok ng pribadong sektor sa mga proyekto ng pamahalaan.
Ang PPP Act ang siyang mag-aamiyenda sa umiiral na Build, Operate-Transfer o BOT Law na ipinasa noong 1994. | ulat ni Jaymark Dagala