Pagpupulong nina Pres. Marcos Jr. at Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong, naging mabunga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas lalakas pa ang kolaborasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Singapore para harapin ang mga hamong may kinalaman sa iba’t ibang global challenges.

Ang pahayag ay ginawa ng Chief Executive kasunod ng aniya’y mabungang naging pagpupulong nila ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong kasama din si Deputy Prime Minister Lawrence Wong.

Promising, sabi ng Pangulo, ang kanyang naging pagpupulong sa dalawang lider ng Singapore na doon ay kanilang natalakay ang aniya’y mahahalagang usapin.

Naganap ang pagpupulong sa isang hapunan at kasunod nito ay ang magkakasama ng panonood nila ng
F1 Grand Prix base na din sa imbitasyon mismo ni Prime Minister Loong.

Dumating kaninang pasado alas-12 ng umaga ang Pangulo mula sa limang araw na working visit sa Singapore, kung saan tampok ang pagdalo nito sa 10th Asian Conference.   | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us