Pagrepaso sa Oil Deregulation Law, suportado ng DOE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng Department of Energy (DOE) ang hirit ng mga kongresista na repasuhin at amyendahan na ang Oil Deregulation Law.

Sa dayalogo ng House leaders at oil industry players, isa sa napuna ng mga mambabatas ay ang agaran at pare-parehong price increase ng oil companies.

Ayon kina Speaker Martin Romualdez at Marikina Representative Stella Quimbo, nakakapagtaka kung bakit nagtataas ng presyo ang mga kompanya ng langis kapag nagkaroon ng adjustment sa world market, gayong ang stocks naman ng petrolyo nila ay nabili sa mas murang halaga.

Wala namang tugon ang mga oil company dito.

Tinukoy din ni SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta na nagsampa ng temporary restraining order ang mga kompanya laban sa kautusan ng DOE na magsumite sila ng detalyadong computation at rason sa kanilang mga price adjustment.

Aminado si Energy Undersecretary Sharon Garin na dahil sa Oil Deregulation Law ay tali ang kanilang kamay para i-monitor ang price adjustment ng mga oil company.

Kaya suportado nila ang mga panukala para ito ay amyendahan na, partikular sa anti-competitiveness, unbundling ng oil prices at mekanismo sa pagsuspinde ng Excise Tax.

Una nang sinabi ni Speaker Romualdez na dapat ay maging bahagi rin ng solusyon ang mga oil company para ibsan ang bigat ng bilihin na iniinda ng mga Pilipino dahil sa oil price hike.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us