Dahil sa buga ng usok mula sa dami ng sasakyan o vehicle emission ang nagdulot ng pagsama ng kalidad ng hangin sa ilang bahagi ng Metro Manilla at hindi ang volcanic smog o vog sa Taal.
Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Environment and Natural Resources-Environment Management Bureau na dahil sa climate phenomenon ang pag-iipon ng smog sa Metro Manila.
Ayon sa DENR-EMB, dulot ito ng “temperature inversion” na likha ng man-made pollution.
Masyado umanong madami ang mga sasakyan na nagbubuga ng usok dahilan para maipon sa hangin ang particulate matter.
Nangyayari umano ito tuwing rush hour.
Dagdag ng pa DENR-EMB, magkakaiba ang air quality depende sa oras at lugar at batay sa pinanggagalingan ng polusyon at sa meteorological condition.
Batay sa air quality index monitoring ng DENR nitong alas-11 ng umaga, “very unhealthy” ang kalidad ng hangin sa Caloocan, Makati, Paranaque, at Pateros.
Samantala, kinumpirma rin ni DOST Secretary Renato Solidum sa isang panayam na walang koneksyon ang smog na nararanasan sa Metro Manila at vog sa Taal. | ulat ni Diane Lear