Pagsasabatas ng ‘Trabaho Para sa Bayan Act’, suportado ng NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ng National Economic and Development Authority ang pagsasabatas ng Trabaho Para sa Bayan Act na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ngayong araw.

Layon nitong tugunan ang mga problema sa labor sector gaya ng unemployment, underemployment, job mismatch, at iba pa.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, suportado ng ahensya ang Trabaho Para sa Bayan Act dahil makatutulong ito sa Philippine Development Plan 2023-2028 na layong mapataas ang employability, employment opportunities, at makamit ang labor market governance ng mga Pilipino.

Dagdag pa ni Balisacan, makatutulong ang batas na madagdagan ang kakayahan ng mga manggagawang Pilipino, pati na ang pagbibigay ng suporta sa mga micro, small, at medium enterprises.

Kaugnay nito ay magsasagawa ng mas malalim na pag-aaral ang NEDA tungkol sa sitwasyon ng employment at labor market sa bansa.

Tiniyak naman ng NEDA na makikipagtulungan sa iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan para sa maayos na pagpapatupad ng mga programa at inisyatibo na may kinalaman sa trabaho. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us