Nagpasalamat ang Department of Transportation (DOTr) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. makaraang sertipikahang urgent ang panukalang Magna Carta of Filipino Seafarer.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, suportado ng Kagawaran ang agarang pagpasa ng Senate Bill No. 2221, at matagal na nilang isinusulong ito upang protektahan at palakasin ang mga Pilipinong mandaragat.
Idinagdag pa ni Bautista, handa nilang gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang makatulong sa Kongreso na maisabatas ang nasabing panukala
Nabatid na layon ng nasabing panukala na solusyunan ang mga problema sa training at accreditation ng mga Pinoy seafarer, at garantiyahan ang pagsunod ng Pilipinas sa mga obligasyon nito sa international community.
Noong isang taon, ang Pilipinas ang may pinakamaraming bilang ng mga ipinakakalat na mandaragat na nasa 385,000 kung saan, 171 dito ay mga certified officer na nakasampa sa mga barko nitong Abril. | ulat ni Jaymark Dagala