Welcome sa Department of Finance ang pagsisimula ng plenary deliberation para sa panukalang reporma sa military and uniformed personnel (MUP) pension system.
Si Albay Rep. Joey Salceda na siya ring Chairman ng Ad Hoc Comiittee on MUP pension system ang dumepensa sa House Bill 8969.
Layon ng panukalang siguruhing magkaroon ng pangmatagalang pondo para sa pension at iba pang benepisyo ng mga MUPs sa pamamagitan ng fiscal framework na susuporta sa pangangailangan ng mga ito.
Kabilang dito ang taunang increase sa sahod ng 3% sa loob ng 10 taon, pag-adjust sa mandatory retirement age mula 56 sa 57 pagkatapos ng pag-ambag ng 30 taon sa serbisyo.
Nakasaad diin sa panukala ang unti-unting paglilipat ng contributory scheme upang mapalakas ang pinagkukunan ng pondo, pagtatag ng 2 magkahiwalay na trust funds at ang paglikha ng military trust fund committee na magmamasid sa trust fund ng MUPs. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes