Pagsusulong sa Pilipinas na maging Muslim friendly destination, pinalalakas na ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaiigting ng Department of Tourism (DOT) ang pagiging Muslim-friendly destination ng Pilipinas, upang mas marami pang turista mula sa Muslim countries ang bumisita sa Pilipinas.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni DOT Undersecretary Myrna Paz Abubakar, na target nilang pataasin ang tourist arrivals mula sa Malaysia, Indonesia, at Brunei Darussalam.

“Malaysia po is nasa number seven po siya but of course we would like to increase the numbers of Muslim travelers, especially po na alam naman po natin na kaya naman natin pong i-cater ang ating mga bisita na Muslim kapag pumunta po sa Pilipinas.” —Usec Abubakar

Kaugnay nito’y, nagpapatuloy aniya ang roll out ng inilabas na guidelines ng DOT sa operations at pagkilala sa mga Muslim-friendly accommodation establishments sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Kabilang dito ang promotion ng halal culinary at halal certified restaurants.

“Mayroon po tayong mga halal-certified restaurants din diyan po sa Pilipinas and mayroon din po tayong mga Muslim-friendly restaurants na nandiyan.” —Usec Abubakar

Sinabi ng opisyal, karamihan sa mga establisyimento sa Mindanao ay handa nang tumanggap ng Muslim travelers.

“Hinahanda din po natin ang Manila, Cebu and Clark para po maging Muslim-friendly na din po including our airports. So, isa po sa mga hinihingi po natin na ang ating mga airports ay, ng prayer rooms para po sa ating mga kapatid na Muslim and even po iyong ating mga big malls po diyan sa Pilipinas kung pupuwede po ay magkaroon sila ng kahit na isang halal certified restaurant.” —Usec Abubakar. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us