Pagsusuplay ng murang bigas para sa mga rice retailer sa Marikina City, pinag-aaralan ng LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-aaralan ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang direktang pagbili ng mga bigas na siyang ibebenta naman ng mga rice retailer sa kanilang lungsod.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, ito ay bilang isa sa mga hakbang kung paano sila makatutulong sa mga rice retailer upang makasunod pa rin sa Executive Order no. 39 o ang pagtatakda ng price ceiling sa bigas.

Ayon sa alkalde, batid naman niya ang hirap na dinaranas ng mga rice retailer na bumibili ng kanilang suplay sa mas mahal na presyo para ibenta sa mababang halaga.

Magugunitang kahapon, bukod sa ₱15,000 ayuda mula sa National Government, libre na rin ang mga rice retailer ng dalawang buwang renta sa mga palengke ng lungsod.

Binigyan din sila ng tax exemption sa loob ng anim na buwan at tax amnesty naman para sa mga rice retailer na bigong makapagbayad ng buwis sa tamang oras.

Labis-labis naman ang pasasalamat ng mga rice retailer tulad nila Mang Jose Zaballero at Rommel Golandrina na kapwa limang taon nang nagbebenta ng bigas.

Anila, malaking bagay para sa kanila ang tulong sa kanila ng National at Local Government dahil tiyak na maiibsan nito ang kanilang pagkalugi. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us