Pagtaas sa buying price ng palay, nagpapakita ng malasakit ng Pangulo sa mga magsasaka at mamimili — Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaramdam ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaniyang pagmamalasakit sa mga magsasaka at mamimili sa atas nito na taasan ang buying price ng palay.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez, bilang ang ating mga magsasaka ang nagdadala ng pagkain sa ating mga hapag, marapat lamang na alagaan sila.

“This shows the malasakit (compassion) our President has towards our farmers who have been working very hard for us to achieve food security. We should always take care of them. Our farmers have been the ones giving us food on our tables. So, let’s give them the respect that they truly deserve. That is why our President still sits as Agriculture Secretary in a concurrent capacity,” ani Romualdez.

Batay sa inaprubahan ng National Food Authority Council, na pinamumunuan din ni Pang.ulong Marcos Jr., itinaas sa P19 hanggang P23 ang buying price ng kada kilo ng dry palay at P16 hanggang P19 para sa wet palay.

Sa pamamagitan nito ay matitiyak ang kita ng mga magsasaka at ang abot kayang retail price ng bigas sa merkado.

Panawagan din ni Romualdez ang pinaigting na suporta sa mga magsasaka para mapalakas pa ang kanilang produksyon sa pamamagitan ng makinarya, imprastraktura, teknolohiya at gawing accessible ang pautang.

Mga foreign rice producers lang kasi aniya ang kumikita sa pagi-import natin ng bigas.

“We must prioritize strengthening the resilience and growth of our farmers. This means investing significantly in them by providing them advanced training, the latest technology, and modern infrastructure, all of which can uplift our farming community and make them more competitive with enhanced yields…Facilitating direct market access, eliminating the middlemen, ensures that our farmers receive better prices for their produce while consumers benefit from affordability,” diin ng House Speaker. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us