Pagtatanggol sa 9 na okupadong isla sa WPS, tututukan ng bagong defense strategy ng AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tututukan ng bagong defense strategy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagtatanggol sa siyam na islang okupado ng bansa sa West Philippine Sea.

Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa isang ambush interview matapos ang turnover at blessing ng bagong eroplano mula sa Estados Unidos sa Clark Airbase Pampanga.

Ayon kay Brawner ang pagbabago ng defense strategy ng AFP ay ipinag-utos ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro kasabay ng pagrepaso sa AFP modernization program.

Sinabi ni Brawner na ang mga pagbabago ng istratehiya ay para i-“project” ang depensa ng Pilipinas sa mga okupadong teritoryo sa West Philippine Sea.

Samantala, sinabi ni Brawner na malaking tulong ang bagong kuhang C-208B aircraft sa pagbabantay sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa pinag-agawang karagatan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us