Pagtatatag ng OFW lounge sa mga paliparan, suportado ng isang Senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang panukalang magtatag ng overseas Filipino worker (OFW) lounge sa mga Paliparan.

Ayon ay Go, marapat lamang na bigyan ng disenteng lugar ang mga OFW bilang pagkilala na rin sa kanilang ambag sa bansa, partikular na sa pagpapalago ng ekonomiya.

Sa groundbreaking ng Super Health Center sa San Mateo Rizal ngayong araw sinabi ni Go, na kung nakapagpatayo sila noon ng Heroes lounge para sa mga sundalo’t pulis bilang pagkilala sa kanilang pagsasakripisyo, bakit hindi aniya ang mga OFW.

Una rito, isinusulong ni OFW Party-list Representative Marissa del Mar-Magsino ang pagtatayo ng OFW lounge sa mga international airport, na magsisilbing holding area para sa mga tinaguriang “Bagong Bayani” habang naghihintay ng kanilang biyahe. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us