Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na kabilang sa kanilang prayoridad sa 2024 ang pagtatayo ng karagdagang bike lanes sa bansa.
Sa isinagawang pagdinig ng House Appropriations Committee para sa budget ng DOTr sa susunod na taon, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na nasa P500 milyon ang kanilang ipinapanukalang pondo para sa Active Transport Bike Share System and Safe Pathways Program sa Metro Manila sa 2024.
Bukod sa bike lanes, plano rin ng DOTr na maglagay ng cycling facilities gaya ng bike racks at public transport stops para mas maging maginwa ang biyahe ng mga commuter.
Kasalukuyan nasa 564 kilometers na bike lanes na ang naitayo ng DOTr sa Metro Cebu, Metro Manila, at Metro Davao.
Target naman na palawakin pa ito sa 2,400 kilometers na bike lane network pagdating ng 2028.| ulat ni Diane Lear