Pagtatayo ng Motorcycle Riding Academy sa buong bansa, makatutulong na mabawasan ang mga aksidenteng kinasasangkutan ng motorsiklo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maipakalat sa lahat ng bayan at lungsod sa bansa ang Motorcycle Riding Academy.

Ito ang inihayag ni DILG Secretary Benhur Abalos, makaraang mag-donate ito ng 10 motorcycle units sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa naturang programa.

Sinabi ni Abalos, lubhang nakababahala ang malaking bilang ng mga naitatalang aksidente sa kalsada na kinasasangkutan ng mga gumagamit ng motorsiklo.

Kaya’t malaki ayon kay Abalos ang pangangailangan upang maituro sa mga gumagamit ng motorsiklo ang tamang disiplina sa lansangan.

Sa Setyembre 27, pormal na bubuksan ng MMDA ang Motorcycle Riding Academy. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us