Pagtuturo ng Martial Law sa mga kabataan, hindi maaaring gawing sapilitan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi maaaring maging ‘diktador’ ang pamahalaan sa pagtuturo ng paksa ng ‘Martial Law’

Ito ang tinuran ni Appropriations Vice Chair Janette Garin sa interpelasyon ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel sa panukalang 2024 budget ng Commission on Higher Education o CHED.

Inusisa ni Manuel kung tumatalima ba ang pamahalaan sa pagtuturo ng Martial Law salig sa Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013 upang hindi aniya mabura sa kamalayan ng mga Pilipino lalo na ng kabataan ang nangyari noong panahong iyon.

Ayon naman kay Garin, nakapaloob na sa Philippine history ang nangyari noong Martial Law.

Ngunit hindi aniya maaaring kontrolin o pilitin ng pamahalaan ng mga mag-aaral na magka-interes sa paksa kung ayaw nila.

Marami na rin kasi aniya sa mga estudyante ang mas nakatuon sa pagpapabuti ng kanilang “personal competitiveness.” | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us