Sa makabuluhang pahayag sa ika-78 sesyon ng United Nations General Assembly, binigyang-diin ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo ang matibay na pagsunod ng bansa sa United Nations at sa mga prinsipyong itinatag nito.
Dito nabanggit ni Manalo ang kahalagahan ng pandaigdigang kaayusan na sumusunod sa mga alituntunin ng international law, bagay na ipinapakita sa dedikasyon ng Pilipinas sa mapayapang paglutas ng mga dispute at pagsunod sa mga batas.
Ipinahayag rin ng Kalihim ang malalim na pag-aalala nito patungkol sa climate change at ang pangangailanan para sa malalim na ugnayan ng buong mundo upang tugunan ang epekto ng matitinding kalamidad. Tinawag din nito ang lahat na magtulungan para sa mga solusyong makakalikasan na nagbibigay prayoridad sa pinakaapektado ng nagbabagong klima.
Ipinakita rin ni Manalo ang dedikasyon ng Pilipinas sa United Nations’ Sustainable Development Goals, human rights, at ang pakikiisa nito sa pandaigdigang pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad.
Sa huli, binigyang-diin niya ang aktibong papel ng bansa sa mga ugnayan sa regional at international relations, kabilang ang kandidatura ng Pilipinas para sa non-permanent seat sa UN Security Council kung saan, ayon kay Manalo ay nagpapakita sa hangarin ng bansa sa alok nito ng “best of the Philippine diplomatic tradition.” | ulat ni EJ Lazaro