PAL, tiniyak na di maaapektuhan ng Taal Volcano smog ang kanilang mga flights

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Philippine Airlines (PAL) na walang maapektuhan sa kanilang mga flight ang nangyaring pagbubuga volcanic smog mula sa Bulkang Taal.

Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, iniiwasan din ng kanilang mga piloto na dumaan sa bisinidad ng Taal Volcano dahil naglabas na ng Notice to Airmen ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Patuloy din aniya silang nakatutok sa sitwasyon ng Taal para matiyak ang seguridad ng kanilang mga eroplano maging ang kanilanh mga pasahero.

Samantala, maging ang iba pang local airlines tulad ng AirAsia at Cebu Pacific ay wala ring abiso ng kanselasyon ng flights dahil sa Taal volcanic smog.  | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us