Mas palalakasin ng gobyerno ang clustering ng mga magsasaka ng palay at pagtatanim ng hybrid rice para mas mapataas ang produksyon ng bigas sa bansa.
Sa isang press conference kaugnay ng ika-16 na National Rice Technology Forum sa Davao del Sur, ipinaliwanag ni Masagana Rice Industry Development Program Focal Person on Productivity Enhancement Dr. Frisco Malabanan na sa ganitong kampanya ay may posilibidad na bumaba ang presyo ng bigas sa merkado.
Bukod sa pagtaas ng produksyon, magiging madali rin para sa pamahalaan na magbigay ng intervention sa mga magsasaka kapag naka-cluster ito sa isang lugar. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao