Umaabot sa P14 billion ang inilaan ng pamahalaan para sa bagong access roads at bridges to tourist. sites”.
Ayon kay House Committee on Tourism Chair at Quezon City 4th District Representative Marvin Rillo, ito ay naka itemized sa 2024 National Expenditure Program (NEP).
Ito ay on top sa P17.7 billion na 2023 funds para sa Tourism Road Infrastructure Program o TRIP.
Umaasa si Rillo, na makakatulong ito na magpataas ng tourist traffic, employment growth sa mga accommodation at transportation.
Ang TRIP ay upang tustusan ang pagtayo at pag-upgrade ng mga kalsada at tulay na kokonekta sa mga nakadeklarang tourist sites, na hindi sakop ng iba pang makapagkukunan ng pondo.
Magkatuwang naman ang Department of Tourism (DOT) at Department of Public Works and Highways (DPWH), sa pagtukoy ng mga proyekto sa ilalim ng TRIP upang suportahan ang National Tourism Development Plan. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes