Pamamahagi ng cash aid sa micro rice retailers, magpapatuloy hanggat hindi nakukumpleto ang pamamahagi ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mabibigyan ng sustainable livelihood assistance ang lahat ng kuwalipikadong micro rice retailers na apektado ng price ceiling sa bigas.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, kung hindi man sila makakuha ng ayuda ngayong araw ay magpapatuloy pa ito sa mga susunod na araw.

Sa kabuuan, nasa 589 ang bilang ng micro rice retailers ang bibigyan ng tulong pinansiyal ng DSWD.

Sa kabuuang bilang, 405 dito ay mula sa Commonwealth Market, 136 sa Maypajo Public Market at 48 mula sa Agora Market sa San Juan City.

Nasa P8,844,000 na pondo ang inilabas ng DSWD para sa lahat ng benepisyaryo sa Quezon City, Caloocan City at San Juan City.

Ipinunto din ng DSWD chief na hindi lang tulong pinansyal ang Ibinibigay ng Sustainable Livelohood Program.

Sinabi ng kalihim na ang direktiba ng Pangulo ay para sa mga ahensya ng gobyerno na ipagpatuloy ang mga dayalogo sa mga rice retailer organizations para mas maintindihan kung ano pa ang mga tulong na darating mula sa national government. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us