Pamamahagi ng cash assistance para sa micro rice retailers, sinimulan na sa Taguig City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umarangkada na ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ng cash assistance para sa mga small at micro rice retailer sa Mercado Del Lago sa Taguig City.

Ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng ahensiya.

Layon nitong suportahan ang mga small at micro rice retailer na apektado ng price cap sa bigas.

Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pamamahagi ng tig-P15,000 na cash assistance sa 51 na benepisyaryo para sa unang batch ng ayuda.

Sa ngayon, nasa 34 na mga benepisyaryo ang nakatanggap ayuda habang ang iba ay sumasailam pa sa profiling at assessment ng mga kawani ng DSWD, Department of Trade and Industry, at ng Business Permit and Licensing Office ng Taguig LGU.

Ayon sa Taguig LGU, may mga ilan na nagtungo ang hindi nabigyan ng ayuda dahil wala listahan ng DTI.

Sa talumpati naman ni Mayor, sinabi nitong patuloy na susuportahan ng Taguig LGU ang adhikain ng pamahalaang nasyonal na matugunan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, lalo na sa bigas.

Tiniyak naman ng alkalde na patuloy na makikipag-ugnayan sa mga sektor na naaepktuhan upang mabigyan ng kinakailangang tulong. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us