Pamamahagi ng fuel subsidy vouchers sa PUV drivers, minamadali na ng DOTr at LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Minamadali na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagbibigay ng fuel subsidy vouchers para sa public utility vehicle (PUV) drivers.

Ito ay matapos na aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng P3 bilyon pondo, na layong matugunan ang epekto ng patuloy na pagtaas na presyo ng mga produkyong petrolyo.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautisa, binigyang direktiba na niya ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFB), na agad ipamahagi ang fuel assistance sa mga PUV driver kapag na-download na ng ahensya ang pondo.

Nasa P10,000 ang matatanggap ng mga operator ng modernized public utility jeepneys (MPUJ) at modernized utility vehicle express (MUVE).

Habang P6,500 naman para sa traditional PUJs, traditional UVs, at public utility buses; P1,200 para sa mga delivery service operator; at P1,000 para sa mga tricycle operator.

Sa kaabuuan, nasa 1.36 milyon na PUV drivers at operators ang makatatanggap ng fuel subsidy mula sa pamaalaan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us