Isinagawa ngayong umaga dito sa lungsod ng Cebu ang 13th Cebu Citywide Cleanup Challenge kasabay ng pagdiriwang ng International Cleanup Day.
Nagtulungan ang mga kawani ng city hall, mga ahensya ng gobyerno at mga volunteer at iba pang sektor sa paglilinis ng mga ilog, sapa at coastal areas sa lungsod.
Nagkaroon din ng maikling programa sa South Road Properties kung saan nagtipon ang mga kalahok sa nasabing cleanup drive.
Napag-alaman na ang nasabing cleanup challenge ay ginagawa ng city hall bawat quarter sa pamamagitan ng Cebu City Coastal Management Board.
Layunin ng aktibidad na mapanatiling malinis at magbigay ng awareness sa publiko kaugnay sa tamang pagdispose ng basura. | ulat ni Angelie Tajapal | RP1 Cebu