Welcome para kay Speaker Martin Romualdez ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at katuwang na bansa sa East Asia, na magtulungan para masiguro ang sapat na suplay ng pagkain para sa kanilang mga kababayan.
Sa 26th ASEAN-Plus Three Summit, isinulong ni Pangulong Marcos Jr. na pataasin ang emergency rice supply sa ilalim ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR), at dagdagan ang reserba ng kalakal ng food item.
“The recent spike in rice prices worldwide underscores the urgent need for stronger regional cooperation to ensure mutual food security and the President’s call for action at the APT Summit is a prudent course of action,” sabi ni Romualdez.
Ang ASEAN-Plus Three ay binubuo ng 10 ASEAN Member States, China, Japan, at South Korea.
Handa rin aniya ang Kongreso para magkasa ng panukala, para maisakatuparan ang pinalawak na kooperasyon na ito sa pagitan ng mga kasaping bansa.
“Neighbors helping feed each other is the highest and sincerest form of cooperation. The House is ready to work on the passage of necessary legislation to operationalize such expanded mechanism for such purpose,” dagdag niya.
Hulyo ngayong taon, sumipa ang pandaigdigang presyo ng bigas dahil na rin sa anunsiyo ng India na pag-ban sa rice export. | ulat ni Kathleen Forbes