Panghapong klase sa Taytay, Rizal, suspendido na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suspendido na rin ang panghapong klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Taytay sa lalawigan ng Rizal.

Batay ito sa anunsyo ng lokal na pamahalaan matapos magdeklara ng Yellow Rainfall Warning ang PAGASA kaninang alas-10 ng umaga.

Ayon kay Taytay Mayor Allan de Leon, nakasalig ito sa nilagdaan niyang Executive Order 114 series of 2023 hinggil sa kanselasyon ng klase sa tuwing masama ang panahon.

Gayunman, nilinaw ng alkalde na wala namang naranasang pagbaha sa kanilang bayan subalit ginawa nila ang desisyon upang matiyak na rin ang kaligtasan ng mga mag-aaral, magulang gayundin ng mga guro. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us