Aprubado kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglalabas ng pondong aabot sa P12.7-billion para sa Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) program ng administrasyon.
Sa ilalim ng RFFA program, nasa may 2.3 milyong maliliit na rice farmer beneficiaries ang makikinabang sa nasabing hakbang ng Marcos administration at matutulungang mapanatili ang kanilang productivity sa gitna ng patuloy na hamon sa larangan ng agrikultura.
Makatatanggap ang bawat beneficiary ng P5,000 financial assistance na hinugot mula sa sobrang tariff collection ng rice importations noong 2022 na aabot sa P12.7-billion.
Kuwalipikadong makabilang sa RFFA program ang mga magsasakang mababa sa 2 ektarya ang sinasaka
base na rin sa itinatakda ng Republic Act (RA) No. 11598 o ang Cash Assistance to Filipino Farmers Act of 2021.
Sinabi ng Pangulo na makatutulong kahit paano ang naturang ayuda sa gitna ng tumataas na cost of production at sa harap ng hamong kakaharapin sa El Niño phenomenon. | ulat ni Alvin Baltazar