Pangulong Marcos Jr., ipinagutos ang paglikha ng Special Investigation Task Force na tututok sa mga kaso ng patayan sa Libon, Albay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagbigay alam ni Gobernador Edcel Grex Lagman na isang Special Investigation Task Force (SITF) ang ipinalikha ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tututok sa mga kaso ng patayang naganap kamakailan sa Libon, Albay.

Ang Task force ay pamumunuan ni Colonel Jess Rebua. Ang nasabing pagkilos ay matapos humingi ng suporta si Lagman sa pangulo sa pagsasagawa ng isang komprehensibong imbestigasyon sa naturang mga krimen.

Ayon sa gobernador, sa oras na matapos ang imbestigasyon ay hiningi nya ang tulong ng grupo ni Regional Director Westrimundo D. Obinque ng PRO5 sa pagsiwalat ng resulta sa mga tiga Libon, partikular na sa mga kasalukuyang punong barangay at mga kagawad ng lugar.

Matatandaan na lahat ng biktima sa mga naganap na patayan sa Libon ay mga halal ng opisyal ng barangay.

Samantala, bilang tulong sa naulilang pamilya ni Kapitan Alex Repato ng San Jose, Libon ay nagpaabot si Lagman ng psychosocial na tulong gayundin subsidiya sa pag-aaral ng mga naiwang mga anak ng pumanaw na kapitan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office at Albay Matibay Foundation, Inc. | via Twinkle Neptuno | RP1 Albay

Photo: Edcel Grex Burce Lagman

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us