Pangulong Marcos Jr., naisahan ang smugglers sa ginawang pamamahagi ng nasabat na bigas; Hakbang ng Pangulo, ‘best deterrent’ sa smuggling

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Bulacan Representative Salvador Pleyto na tama ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na ipamahagi sa mga mahihirap ang nakumpiskang smuggled at hoarded na bigas.

Ayon kay Pleyto, pinakamainam itong hakbang upang mahinto ang smuggling dahil sa hindi na ito mapapakinabangan at pagkakakitaan ng smugglers.

“By giving them to the people, it has been placed beyond the reach of those who have illegally brought them in. The President’s action sent the strong signal that there should be no revolving door for smuggled rice in the government,” ani Pleyto.

Kasabay nito ay pinuri din ni Pleyto ang Bureau of Customs (BOC) sa pagkakasabat ng nasa higit 42,000 bag ng imported na bigas na nagkakahalaga ng P42 million, nitong September 15, 2023.

Sa hiwalay naman na pahayag, sinabi ni Bicol Saro Party-list Rep. Brian Yamsuan, na naisahan ni Pangulong Marcos Jr. ang mga smuggler sa hakbang nito na ipamahagi ang nakumpiskang bigas.

Aniya, tinuruan ng presidente ng “napakamahal” na aral ang mga smuggler dahil mensahe ito na wala silang mapapala sa ginagawa nilang pananamantala.

Hindi lang aniya natulungan ng Pangulong Marcos Jr. ang mga magsasaka at mahihirap ngunit naparusahan din ang mga tiwali.

“The President has given smugglers and hoarders a bitter, expensive lesson where it would hurt them the most—their pockets. Their seized rice stocks mean their investments can never be recovered. Ang smuggled rice na naisaing na, hindi na kayang bawiin. Lugi ang smugglers, pero panalo naman ang magsasaka at mahihirap nating mga kababayan,” diin ni Yamsuan. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us