Pangulong Marcos Jr., pinuri ang World Bank sa realignment ng kanilang programa para sa ‘post-pandemic setting’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang World Bank sa ginawang hakbang ng kanilang mga programa na iniakma sa post-pandemic setting.

Ayon sa Pangulo, mas epektibong matutugunan ng realigned programs ng World Bank ang mga hamon pang kakaharapin sa yugtong ito na post-pandemic.

Positibo naman Ang Pangulo na magtatagumpay ang mga programa ng World Bank na naglalayong mapatatag pa ang financial sector kasunod ng idinulot na epekto ng COVID-19.

Pilipinas ang isa sabi ng Pangulo, sa mga recipient ng iba’t ibang grants mula sa pandaigdigang bagnko sa nakalipas na maraming dekada.

Kabilang na dito ang kamakailan lamang na grant na Philippine Second Financial Sector Reform Development Policy Financing na umaabot sa $600 million.

Nagkaharap sa isang bilateral engagement ang Pangulo at si World Bank Group President Ajay Banga bilang sideline sa ASEAN Summit kung saan dito ay nabanggit ng Presidente ang ilan sa mga proyekto na sinusuportahan ng World Bank. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us