Makakaasa ang mga international partner ng Pilipinas na patuloy na magpapatupad ang pamahalaan ng mga programa na magsusulong sa kapakanan ng mga Pilipino.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasabay ng distribusyon ng electronic benefit transfer (EBT) card para sa Food Stamp program ng pamahalaan sa Surigao del Norte, ngayong araw (September 29).
Ayon sa Pangulo, makasisiguro ang mga ito na hindi masasayang ang kanilang pamumuhunan sa Pilipinas, lalo’t patuloy na isusulong ng pamahalaan ang progreso at pag-unlad na inaasam ng gobyerno para sa mga Pilipino.
“While we strive to effectively and efficiently implement this initiative, we will also remain steadfast in creating more programs to alleviate the plight of our people.” —Pangulong Marcos Jr.
Ang Walang Gutom Program aniya ay resulta lamang ng nagpapatuloy at makabuluhang balikatan ng Pilipinas, at ng international partners nito.
Sa tulong aniya ng suporta ng mga ito, patuloy na palalakasin ng pamahalaan ang disadvantage Filipinos upang matupad ng mga ito ang kanilang pangarap.
“Rest assured that your investments in the Filipino people will bring about the progress and prosperity that we all aspire for. With your support, I am certain that we can empower even more disadvantaged Filipinos to rise up and to make a different course for their future—a future without hunger.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan