Pangulong Marcos Jr., tiniyak na hindi ititigil ang kampanya upang wakasan ang ‘smuggling’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi mapapagod ang gobyerno at ang kanyang administrasyon sa pagsisikap upang tuldukan ang smuggling sa bansa.

Ang pagtiyak ay ginawa ng Pangulo sa ginawa nitong pamamahagi ng mga kumpiskadong puslit na bigas at iba pang tulong sa Tungawan, Zamboanga Sibugay kaninang umaga.

Ayon sa Chief Executive, kanyang itinuturing na napakalaking problema ng pagpupuslit ng bigas sa bansa na aniya’y hindi tama.

Idinagdag ng Pangulo na kailangan ding ipatupad ang mga batas laban sa smuggling habang isinasaayos ang sektor ng agrikultura.

Mali ayon sa Punong Ehekutibo na nakapagpapasok ng puslit na bigas ang mga smuggler, iniipit ang suplay at pinapataas ang presyo para lang kumita ng malaki pero pahirap sa mga tao.

Kaugnay nito ay inihayag ng Pangulo na kanyang binigyan ng direktiba ang Bureau of Customs na tutukan ang pagtugis sa mga smuggler nang mawakasan na ang kanilang iligal na operasyon. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us