Panukala para ipagbawal ang online lotto betting, aprubado na sa Komite

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posible nang maiakyat sa plenaryo ng Kamara sa pagbabalik-sesyon ang panukala upang ipagbawal ang online betting ng lotto sa bansa.

Ito’y matapos aprubahan ng House Committee on Games and Amusement ang House Bill 9283 kung saan binibigyang diin na dapat ay pisikal at ginagawa sa mga awtorisadong lotto outlet ang pagtaya.

Ang anumang pagbabago umano sa sistema o proseso ng paglalaro ng lotto ay dapat aprubado ng Pangulo.

Una nang sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ikakasa nila ang test run ng online betting ng lotto bago matapos ang buwan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us