Panukalang bigyan ng digital access ang mga Muslim Filipino sa Shari’a courts, aprubado sa kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukala na magbibigay sa mga Muslim-Filipino ng digital access sa mga Shari’a court sa pamamagitan ng pag-amyenda sa ilang probisyon ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Act of 2009 (Republic Act 9997).

Ang House Bill (HB) 9045 o ang An Act Providing Muslim Filipinos better access to Shari’a courts ay nakatanggap ng 251 na boto.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang NCMF ay inaatasan ng panukala na makipag-ugnayan sa Department of Information and Communications Technology at Supreme Court para sa digital transformation ng court services ng Muslim tribunals.

Layunin umano ng panukala na payagan ang paperless filing ng mga dokumento sa pamamagitan ng digital platform gaya ng marriage certificate, birth certificate, death certificate, at mga katulad nito.

Sa ilalim ng hakbang, papayagan din ang Muslim agency na pumasok sa Public-Private Partnerships para maiproseso ang mga ihahaing dokumento subalit dapat umanong tiyakin na mapapangalagaan ang pagiging pribado ng mga ito.

Ang Legal Affairs Bureau ng ahensya ay inaatasan naman na magbigay ng legal education sa mga Muslim-Filipino, tumulong sa mga kasong kakaharapin ng Komisyon at mag-imbestiga ng mga tauhan nito at magsumite ng mga rekomendasyon.

Ang Bureau of Legal Affairs ng NCMF ay inatasan din na mabibigyan ng “equitable access” ang mga Muslim Filipino sa Shari’a Courts at tulungan ang mga ito lalo na sa mga lugar na wala pang Shari’a Court. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us