Panukalang magpapalawak ng batayan ng ‘dissolution of marriage,’ nakatakda nang iprisinta sa plenaryo ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aprubado na sa committee level ng Senado ang panukalang batas na magpapalawak ng batayan ng dissolution of marriage, kung saan papayagan na ang absolute divorce sa Pilipinas.

Naglabas na ng committee report ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender quality para sa Senate Bill 2443.

Kabilang sa mga may-akda ng panukala sina Senator Risa Hontiveros, Sen. Raffy Tulfo, Sen. Robin Padilla, Sen. Pia Cayetano at Sen. Imee Marcos.

Lumagda rin sa committee report sina Senador JV Ejercito, Minority eader Koko Pimentel, Senate President Pro Tempore Loren Legarda, at Sen. Grace Poe.

Sa ilalim ng panukala, pinatitiyak sa estado na ang magiging pagdinig sa diborsyo ay magiging abot-kaya, mabilis at hindi magastos lalo na para sa mga mahihirap nating kababayan.

Itinatakda nito, na ang mag-asawa o isa sa mag-asawa ang maaaring maghain ng petisyon para sa diborsyo at sakaling maaprubahan ay babalik sa single status ang parehong partido.

Kabilang sa mga maaaring ground for divorce sa ilalim ng paukala ay:

– Kung limang taon nang hiwalay ang mag-asawa;

–  Kung may ginawang krimen na rape ang respondent-spouse laban sa petitioner-spouse bago o       

   pagkatapos ng kanilang kasal; at

–  Kung hindi maayos ang pagsasama o hindi magkasundo ang mag-asawa matapos nilang dumaan sa 60

   days cooling off period

Itinatakda rin ng panukala, na ang petisyon na ihahain ng mag-asawa ay dapat na may kasamang joint plan para sa parenthood na magtatakda ng suporta, kustodiya at living arrangements para sa kanilang mga anak. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us