Naiakyat na sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 8969 o MUP Pension Reform Bill.
Si House Ad Hoc Committee on MUP Pension System Chair Joey Salceda ang nanguna sa sponsorship para sa naturang panukala.
Ipinunto nito na mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address, ang humiling para sa isang MUP pension system na tatagal at kakayaning pondohan nang hindi makakaapekto sa mga nasa serbisyo.
Sa hiwalay na sponsorship speech ni House Committee on Defense Chair Raul Tupas, siniguro nito na ang panukalang nabuo ng Ad Hoc Committee ay patas at makatwiran para sa pagsusulong ng matatag na sistema ng pensyon para sa aniya’y “heroes at heroines.”
Tinukoy naman ni House Committee on Peace and Order Chair Dan Fernandez ang tapang at pagkukusa ni Pangulong Marcos Jr. na aksyunan ang pagsasaayos sa sa MUP Pension System.
Ilang mahahalagang probisyon ng panukala ang tiyak na 3% na taas-sweldo para sa MUPs kada taon sa loob ng 10-taon; adjustment sa mandatory retirement age na 57-taong gulang mula sa 56; “contributory scheme” at pagbuo ng MUP Trust Fund. | ulat ni Kathleen Jean Forbes