Panukalang pag-alis sa purchase slip booklet ng mga senior citizen bilang rekisitos para sa diskwento, inihain sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Baguio Rep. Mark Go sa Department of Health (DOH) na alisin na ang purchase slip booklet bilang mandatory requirement para makakuha ng diskwento ang mga lolo at lola sa pagbili ng gamot at iba pang pangangailangan.

Sa ilalim ng House Resolution 1263 ng mambabatas ipinunto nito na nahihirapan ang mga senior citizen na maka-avail ng kanilang 20% discount na benepisyo sa gamot at bilihin dahil kailangan muna maipresinta ang naturang purchase booklet.

Dagdag pa ni Go, nagdulot din ng kalituhan ang ilang panuntunan na inilabas ng kagawaran.

Sa Administrative Order (AO) 2010-0032 ng DOH na inilabas noong 2019 nakasaad aniya na kailangan ang purchase slip booklet bilang documentary requirement na ipapakita ng senior.

Ngunit sa bagong AO No. 7 na inilabas noong 12, hindi naman isinama ang naturang booklet bilang requirement para sa 20% discount.

Dahil aniya dito, mas mabuti na repasuhin na ng DOH ang guidelines at alisin ang mandatory na pagsusumite ng purchase slip booklet. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us