Panukalang patawan ng mas mabigat na parusa ang large-scale smuggling ng agri-fishery products, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 9284 o Anti Agri-Fishery Commodities and Tobacco Economic Sabotage Act of 2023.

Aamyendahan nito at bibigyang ngipin ang kasalukuyang RA 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Sa ilalim ng panukala ang large-scale smuggling, cartelizing, hoarding, profiteering, at iba pang uri ng manipulasyon ng produktong agrikultural kasama ang isda at tabako, ay ituturing nang economic sabotage na may parusang habambuhay na pagkakakulong.

Ang kasabwat o katulong sa iligal na gawain ay mahaharap naman sa 30 hanggang 40 taon na pagkakakulong.

Maliban pa ito sa multa na anim na beses na mas mataas kaysa sa fair market value ng ipinuslit o itinagong produkto.

Para naman matutukan ang pagsasampa ng kaso tungkol sa economic sabotage, pinagtatatag ang Department of Justice (DOJ) ng special prosecution team.

Kasama rin sa probisyon na ang anomang produktong masasabat ay kukumpiskahin ‘in favor of the government’ —salig sa probisyon ng Customs Modernization and Tariff Act at Price Act—at maaaring ipamahagi bilang ayuda basta’t makasunod rin sa food safety standards.

Ang panukala ay kabilang sa LEDAC priority measures ng Marcos Jr. administration.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us