Tinapos na ng Kamara ang plenary deliberation sa P10.707 billion na panukalang budget ng OP para sa susunod na taon.
Si Deputy Majority Leader at ACT CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ang nagsilbing pangunahing sponsor ng budget ng OP kasama sina Appropriations Vice Chair Ching Bernos at Mary Mitzy Cajayon-Uy.
Sa interpelasyon, muling iginiit ng OP na walang paglabag sa ginawang release ng P221 million na contingent fund sa Office of the Vice President kung saan bahagi ang P125 million na confidential fund.
Diin ni Rep. Tulfo na siyang budget sponsor, hindi augmentation at hindi rin kinuha sa savings ang halagang inilabas sa OVP kaya’t walang anomalya o mali sa ginawang pagbibigay ng naturang pondo.
Pagdating naman sa mga biyahe ng Pangulo, idinipensa ni Tulfo na ang maraming paglipad ng Chief Executive sa labas ng bansa ay nagresulta na sa higit USD 71.78 billion.
Sinabi rin nito na bagamat P418.5 milyon na ang nagagastos sa kabuuang P671 milyon na travel expenses ng tanggapan ng Pangulo ngayong taon ay sapat na ito para sa nalalabing biyahe ng Presidente bago matapos ang 2023.
P1.15 bilyon ang ipinapanukalang pondo ng OP para sa travel expense sa susunod na taon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes