Pasado na sa ikalawang pagbasa ang panukalang Military and Uniformed Personnel Pension Reform Bill.
Ilan sa mahahalagang probisyon ng House Bill 8969 ang pagpapanatili sa 100% indexation, garantisadong 3% na taas sa sweldo ng MUP kada taon sa loob ng sampung taon; mandatory retirement age na 57 years old sa lahat ng MUP o kung nakapagserbisyo na ng 30 taon.
Naipasok din sa MUP pension reform bill ang pag-alis sa mandatory contribution maliban sa new entrants kung saan 9% ang kanilang sasagutin habang 12% naman ang sa gobyerno.
Bubuo rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Trust Fund at Uniformed Personnel Services Trust Fund.
Maaari naman gamiting pampondo sa AFP trust fund ang residual asset mula sa Retirement Separation Benefits System at pagbebenta o pagpaparenta ng iba pang asset ng military gaya ng military reservations at camps
Ang MUP Trust Fund ay magiging tax exempt. | ulat ni Kathleen Jean Forbes