Panukalang “rightsizing,” nananatiling prayoridad ng Marcos Jr. Administration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling prayoridad ng Marcos Jr. Administration ang isinusulong na “rightsizing” sa gobyerno.

Ito ang tiniyak ni House Committee on Appropriations Senior Vice Chairperson Stella Quimbo, sa plenary debates para sa 2024 General Appropriations Bills.

Sa interpellation ni Samar Representative Paul Daza kung kumusta na ang panukalang rightsizing sa pamahalaan, lalo’t maraming prayoridad ang Ehekutibo gaya ng social protection, kalusugan, imprastraktura, agrikulktura at iba pa.

Ani Quimbo, ang rightsizing ay isa sa LEDAC priorities. Nakapasa na aniya ito sa Kamara, pero nakabinbin pa rin sa Senado.

Ayon pa kay Quimbo, gusto ng Executive Department na ma-realize o maisakatuparan ang “cost savings.”

Pero muling nilinaw ni Quimbo, na ang rightsizing ay hindi nangangahulugan ng pagkawala ng trabaho, at sa halip maaaring may ilang posisyon na magdagdag o mabawas. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us