Panukalang scholarship at return service program para sa nursing students, pasado na sa committee level ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aprubado na sa Senate Committee on Higher Education ang panukalang batas tungkolsa pagtatatag ng scholarship at return service program para sa mga nais na makapagtapos ng kursong nursing sa bansa.

Ito ang Senate Bill 2342 o ang panukalang Nars Para sa Bayan.

Ayon kay Senador Jinggoy Estrada, na siyang naghain ng naturang panukala, ito ang magiging kasagutan sa mga nais na maging nurse pero walang pantustos sa kanilang pag-aaral.

Sa ilalim ng panukala ay tutustusan ng pamahalaan ang iba’t ibang bayarin ng isang qualified nursing student, gaya ng tuition fee at iba pang pangangailangan sa pambili ng mga libro, uniporme, pambayad sa dorm at transportasyon.

Maliban dito ay magkakaroon rin ng dagdag na tulong pinansyal para sa bayarin sa nursing board review, licensure at internship, gayundin para sa taunang medical insurance at iba pang mga gastusing may kaugnayan sa pag-aaral.

Oras na makapagtapos at makapasa sa nursing licensure examination, ang iskolar ay dapat na maglingkod sa isang government public health office, ospital o pampublikong health facility sa bayan, munisipalidad o probinsya malapit sa kanyang lugar.

Kailangang maisagawa at makumpleto ng iskolar ang return service work sa loob ng tatlong taon mula sa pagpasa sa licensure exam.

Umaasa si Estrada, na sa pamamagitan ng panukalang ito ay unti-unting matutugunan ang kakulangan ng mga nurse sa bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us