Panukalang tariff cut sa mga inaangkat na bigas, nakadepende sa Pangulo — Finance Sec. Diokno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ni Finance Sec. Benjamin Diokno na nakadepende sa pangulo kung aaprubahan ang panukalang zero to 10 percent tariff sa aangkating bigas.

Ayon sa kalihim, nakatakdang magbigay ng rekomendasyon ang Committee on Tariff and Related Matters sa Pangulo.

Ito ay kasunod ng isinagawang pagdinig ng Tariff Commission noong September 15 ukol sa panukalang pagbaba ng taripa sa imported na bigas mula 35 percent sa 0 – 10 percent sa loob ng anim na buwan.

Ipinunto pa ni Diokno, maaari lamang baguhin ng Pangulo ang taripa kapag wala nang sesyon ang Kongreso na nakatakdang mag-break sa Biyernes, September 29.

Una nang sinabi ni Diokno na wala namang malaking epekto kung sususpindihin ang taripa dahil nakakolekta na ang gobiyerno ng P17 bilyon mula sa rice tariffs. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us