Partylist solon, hinimok ang kanyang kapwa mambabatas na iprayoridad ang reporma sa penal system ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Bicol Saro Partylist Rep. Brian Yamsuan sa Kongreso na bigyang prayoridad ang reporma sa penal system sa bansa.

Panawagan ng partylist solon sa kapwa mambabatas, gawing lugar para sa rehabilitasyon at transformation ang mga kulungan.

Ayon sa mambabatas, labis na nakakalungkot ang “deterioration” ng kasalukuyang estado ng penal institution na siyang “breeding ground” ng kawalan ng pag-asa at “recidivism”.

Base aniya sa jail congestion ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Correction, ang isang kulungan na dapat ay para sa 12,251 na persons deprive of liberty o PDLs sa ngayon ay nasa 51,561 na.

Diin ng mambabatas, deserve naman ng PDLs ng second chance kaya dapat suportahan ang mga hakbang na naglalayong ireporma ang correctional system ng Pilipinas.

Si Yamsuan na dating Assistant Secretary ng DILG ang may akda ng House Bill 8672 na naglalayong pag-isahin ang pira-pirasong correctional system ng bansa sa pamamagitan ng paglikha ng isang Department of Corrections and Jail Management (DCJM). | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us